Tuesday, August 5, 2014

Sa Piguing

SA PIGUING.

(From Urbana at Feliza by Fr. Modesto de Castro)

Si Urbana cay Feliza.—MANILA....

FELIZA: Cun icao at ni Honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay dagdagan ang in~gat Páhiná 46at maraming lubha ang pagcacamalan. Pagdating nang bahay, ay magbibigay nang magandang gabí, ó magandang arao sa may bahay sacá isusunod ang man~ga caharap, houag magpapatuloy sa cabahayan hangang di inaanyayahan, bago lumucloc ay hintin muna na pagsabihan, at houag pipili nang mahal na loclocan, sapagca mahan~gay ipagutos nang may bahay na umalis ca sa mababa at umaquiat ca sa mataas, na cun na sa mataas ay paalisin at ituro sa mababa. Sa paguumpocan ay caiin~gatan ang quilos, tin~gin at pan~gun~gusap, at baca maquitaan nang cagaspan~gan, ay cahiyahiya.
Sa isang piguing ay maraming lubha ang masasamang gauang naquiquita, na laban sa calinisan sa cabaitan at sa camahalan nang asal.
May maquiquita cang guinoó, na palibhasa,i, inaaring mataas nang iba, ay guinagaua ang asal na di nagpipitagan sa may bahay. Palin~gap-lin~gap ang mata, sa magcabi cabilang suloc, tinitingnan ang handa, at pag may di naibigan ay pinipintasán, na halos murahin ang may piguing.
May maquiquita ca naman, na pagpanhic sa bahay, ang sombrero,i, na sa ulo, ang baston ay di mabitiuan; di nagpupugay sa may bahay, pagbucá nang bibig ay nacatutulig, at pagsasalita,i, siya ang marunong, siya ang may bait siya ang matapang, ang mayaman at mahal na asal; bago,i, na ang pang-sira sa piguing na paris niya. Ang lahat na ito ay sucat ilagan. Sa madlang bagay na inihahanda nang may piguing, hindi mauaualan nang sucat cauiuilihan nang mata: cun may ipaquita ang may bahay, na parang ipinagpaparan~galan, cun may cabutihan ay taponan nang caunting puri, Páhiná 47at cun may capintasan man ay magualang bahala houag pupulaan, at nang di ang dalamhati ang matubo nang caua auang nagpagod. Cun nangaanyaya sa pagcain ang may piguing, ay houag magpapauna sa lahat, nang houag uicaing salangapang n~guni,t, masama rin naman ang pinagcacahirapang anyayahang, sapagca,t, quinayayamotan.
Sa lamesa, ay sabihin mo cay Honesto, na cun macaquita nang bata na naquiqui guiit sa matanda, idinuducot ang camay, naquiquicain, ay di ina-anyayahan, ay pacailagan ang gayong masamang asal sapagca,t, nacasisira nang puri sa ma~gulang at nauiuica, na di tinuroan nang magandang caasalan. Houag maquiquiloclóc sa matatanda, cun di pagutusan at pilit pilitin. Sa pagcain, ay iilagan ang pag uubó, at cun hindi mangyari ay tumindig, gayon din naman ang paglura, pagdahác, pagsin~ga, ang pagbahin, at cun di maiilagan at cun minsan ay mabiglaanan, lumin~gon sa cabila, tacpan ang bibig nang panyó, at nang houag mahalatang lubha. Ilagan nang bata ang pagcamot camot, at iba pang gauang cahan~galan sa pagcain. Houag magpapauna sa matatandá sa pagsubo; houag magsasalita cun di tinatanong, at cun matanong naman ay sumagot nang maicli at banayad; n~guni, lilinisin muna ang bibig nang servilleta cun mayroon, at cun ualá ay panyó at houag sasagót nang lumilinab ang bibig at namumualan. Houag magpapaquita nang galit sa naglilingcód sa lamesa, sapagca,t, isang caualan nang bait, na para rin naman nang cumaing namumunó ang bibig, nagdudumali dalás-dalàs at malalaqui ang subo, di pa nalululón ang isa,i, susundan na naman, ó namumutictic ang canin at naglilináb; sapagca,t, mahaPáhiná 48halata ang catacauan at casalaulaan. Ang pagcain ay banayad, ang subo ay catamtaman, hindi malalaqui at dalás-dalás, patun~gó ang mata at di nagmamasid sa quinacasalo, ay tandang pinagcacaquilanlan nang cabaita,t, cahinhinan. Iilagang marumhan ang mantel, lamesa, nang sabao, alac ó tubig nang di mapahamac, cun ang hinahauacan ay vaso, cuchara, ó copa, ay houag punuin, at nang di mabubó. Ang magpaquita nang lambing at magpairi iri ay nacamumuhi sa bata. Ang humimod sa daliri, hipan ang mainit na sabao, lamasin ang ulam, manguipaldal ang pingang quinacanan, cagatin ang ulam, at saca isauli sa pinangalin~gang pingan; uminom sa copa nang alac, ó vaso nang tubig na di nililinis ang labi, ay pauang casalauaang nacapandidiri sa nacacaquitang tauo. Ang uminom nang alac, ay masamang tingnan sa bata, at lalong masama ang mahalatang maibiguin sa alac. Cun matanda at iinóm ay maglagay sa copa nang caniyang mauubos, acalain ang maiinóm, sapagca,t, cun may matirá, ay pandidirihan nang iba, at bago uminóm ay linisin ang bibig, gayon din naman cun matapos. Hindi nauucol na magpainóm sa isang copa ó vaso cun maraming magagamit, sapagca,t, cun mainuman n~g isa ay pandidirihan nang iba. Cun baga,t, nagtatagayan, ay houag pipilitin ang capoua na painomin nang di macayanan, nang houag, macapahamac, at nang di siya ang pagcadahilanan nang pan~gun~guaad nang masama, paggaua nang di matouid, cun baga,t, mapagdimlan na ang isip. Cun hihin~gi nang alac, ay houag ipan~gusap nang malacás, cun di ihiuatig lamang sa namamahala. Houag nagpapahulí sa lahat sa pagcain, at houag Páhiná 49namang magpapauna nang pagtindig, cundi paunahin ang matanda. Cun may í aabot sa iba, magoui nang ulam at ano mang bagay, ay houag lamasin at nang di pandirihan. Ang maganyayang mulán ang pagcain, ay na-uucol sa may piguing at di sa pinipiguing, at nararapat naman na sayahan ang muc há nang nagaanyaya at nang di maquimi ang inaanyayahan. Ang magsucbit nang matatamis ó maglagay sa bulsa nang ano mang macacain, ay isang catacauang nacahihiya; n~guni, cun may matanda na magaabot sa bata, ay dapat tangapin at cacaraca,i, pasalamatan ang nagmagandang loob.
Cun darampót nang vaso nang tubig, ay tingnan muna cun malinis ang daliri, at nang di marumhan ang hahauacan; houag isusubo ang daliri sa loob, sapagca,t, cun maquita nang maselang matá, may mandidiri. Sa pag inóm, cun mangyayari ay gamitin ang dalauang camáy, ang man~ga daliri ay sa dacong puno, houag ipapatong sa labi nang vaso ó saro at nang di casuclamán. Pagtindig ó bago umalis sa dulang, ay magpapasalamat sa Dios; n~guni, ang dapat mamuno ay ang may bahay, ó may piguing; at cun may sacerdoteng casalo ay sa caniya nauucol, at pagcatapos, ay magpasalamat sa may bahay. Nauucol disin na ituro nang magulang, ó maestro sa escuela ang pag bebendición sa dulang, ang pagpapasalamat sa Dios, sa man~ga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na isinulat co, sa iyo Feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan, cun si Honesto,i, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa paquiquipagharáp sa puno sa bayan, sa man~ga sacerdotes, sa matatandá, maguiPáhiná 50noó, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap. Quiquilanling cong utang cay ama, cay ina,t, sa iyo, cun sa isang piguing ay di magpaquita nang catacauan, cahan~galan, cun di cabaita,t, cahinhinan, sapagca,t, maguiguing capurihan nang umaral na magulang at caran~galan mo naman; ¡oh Feliza! sapagca,t, catulong ca sa pagcacalin~ga. Adios, hangang sa isang sulat.

—URBANA.

Reference:

http://www.gutenberg.org/files/15980/15980-h/15980-h.htm#c15#c15