Sunday, July 3, 2011

Tanaga Dito

A collection of modern tanaga written by my students.



Isang gabing madilim,
dasal ay mataimtim.
Pag-ibig na malamim,
ay di na maging lihim.
(Melorie P. Miranda)


Sinta

'Sang gabing madilim
mukha mo'y nagniningning
yakap ka at kapiling
sinta ko ika'y akin.
(nathaniel talastas)


'Sang gabing madilim
kasabayan ay hangin
mga bitui'y kay ningning
ginhawa'y hatid sa 'kin.
(carizza chico)



'Sang gabing madilim
mata mong nagniningning
sa akin nakatingin
nahulog ang damdamin.
(aura liza bulanadi)


'Sang gabing madilim
laman ka ng damdamin
puso'y dumadalangin
na ikaw ay maangkin.
(grace suyom)


Hiling

'Sang gabing madilim
bitui'y nagniningning
isa lang aking hiling
kundi ang yong pagdating.
(morris john diaz)



Harana

'Sang gabing madilim
ang himbing ay malalim
sa labas ay may himig
binatang umaawit.
(mark anthony fernandez)


'Sang gabing madilim
ako ay napaisip
ikaw  pala'y natingin
puso'y sumaya giliw.
(emmy boticario)



Sulyap

'Sang gabing maliwanag
nang ikaw ay makita
ako'y yong napahanga
sa yong taglay na ganda.
(kier robert evangelista)



Pag-ibig

'Sang gabing maliwanag
mata mo'y nabanaag
sang mukhang maliwanag
ika'y nakabibihag.
(Sherwin Samantha de Vela)



Crush

'Sang gabing maliwanag
lumabas at namasyal
nang biglang nasilayan
puso ko ay lumundag.
(Goime Garcia)



Taguan

'Sang gabing maliwanag
bata'y nagkatuwaan
laro sa kadiliman
hindi malilimutan.
(Rojenel Joice Bacolod)





'Sang gabing maliwanag
Ako ay nangangarap
ika'y aking mahanap
Mahal kong pinangarap.
(Mark Angelo Bautista)



Sinta

'Sang gabing maliwanag
Puso'y di mapanatag
Ako sa yo'y dadalaw
ngiti lang ay matanaw.
(Domick Darvin Antonio)


Diwata

'Sang gabing maliwanag
sa huni ng kulisap
isang magandang dilag
sa akin ay bumihag.
(Mary Jane Velilla)


Sinta

'Sang gabing maliwanag
mata mo, sa ki'y tanglaw
na sa aki'y naglinaw
na ika'y aking mahal.
(Razelle Leaño)


Bituin

'Sang gabing maliwanag
Ikaw ay nasulyapan
Kislap mong walang tulad
ay hinahanaphanap.
(Jan Aphreim Hernandez)



Hiling

'Sang gabing maliwanag
Ako'y di mapanatag
Nawa ika'y mahabag
Sagutin aking tawag.
(Werly Mae Agustin)



Break-up

'Sang gabing maliwanag
Pag-asa ko'y pumanaw
Nang sinta ko'y umayaw
At sa iba'y napukaw.
(Carmela E. de Luna)



I Love You

"Sang gabing maliwanag
Mata ko'y kumukutitap
Sapagka't alam ko na
Ligaya'y malalasap.
(Hector Cruz)


Pag-ibig, Kailan?

'Sang gabing maliwanag
Dala'y kaligayahan
Pag-ibig hinahanap
Kailan magaganap?
(Art Vittorio Bolo)



Bitag

'Sang gabing maliwanag
Doon ko naaninag
Isang bagay nalaglag
At ako'y naging bihag.
(Mark John Bauzon)



Magbabalot

'Sang gabing maliwanag
Sa ilalim ng sinag
Ikaw ang naaninag
Para bang tumatawag.
(John Paul Concepcion)



Pagsubok sa Bayan

'Sang gabing maliwanag
Kaayusan nabasag
Dahil sa 'sang paglabag
Nasubukan ang tatag.
(Mark Renzo Manalaysay)


Bantay Salakay

'Sang gabing maliwanag
Lahat ay nakaunat
'Sang malakas na sigaw
Tao lang, magnanakaw.
(Alexandra Bernardo)


Puso

Kainitan ng araw
Mayro'ng isang sumigaw
Lagi itong may kant'yaw
Ang laman nito'y ikaw.
(Julian Nico Kho)


Ligaw, Naligaw

Kainitan ng araw
Sa 'king giliw dadalaw
Sa lugaw n'yo'y naligaw
Ngiti kaya'y matanaw?
(Art Vittorio Bolo)


Dagat

Kainitan ng araw
Masarap magtampisaw
Sa tubig na malinaw
Ang dulo'y di matanaw.
(Gerbee Fournier)


Sayang

Kainitan ng araw
Lahat ay naglilibang
Ula'y tila nagbadya
Paglaro'y naantala.
(Alexandra Bernardo)


Palay

Kainitan ng araw
Doon sa aming bayan
Ako ay nagbibilad
Para mayro'ng hapunan.
(Kristine Joy J. dela Cruz)



Tambay

Kainitan ng araw
Puluta'y manggang hilaw
Ligaya'y mababaw
Uutang ng pangbanlaw.
(Hector Cruz)


Bangaw

Kainitan ng araw
Bigla na lang napukaw
'Sang insektong galawgaw
Kung tawagin ay bangaw.
(Mark John Bauzon)


Titigan

Isang gabing madilim
Hindi niya maatim
Tumingin ng malalim
Sa kuwartong maitim.
(Jhon Angelo San Andres)



Salbaheng Pusa

Isang gabing madilim
Pusa'y nasa ilalim
Mga kuko'y matalim
At kalmot ko ay anim.
(Mara Angelica Refraccion)


Pagsagip

Isang gabing madilim
Lumangoy sa malalim
Naghanap ng taimtim
Kahit tubig ay itim.
(Richard Ace de Leon)


Takot

Isang gabing madilim
Punong puno ng itim
Nagdasal ng taimtim
Sa lugar na malagim.
(Joana Erika Juruena)


Torpe

Isang gabing madilim
Ang galit ko'y matalim
Bunga ng mapagkimkim
Pag-ibig kong malalim.
(Harry Kim Balois)




Isang gabing madilim
Mata ay nanglalalim
Sa isip nakatanim
Pagsintang lumalalim.
(Aileen Apolonio)


Isang gabing tahimik
Labi ko'y nasasabik
Sa matamis mong halik
Ako'y di makaimik.
(Michael Fabianes)



Isang gabing tahimik
Sa kumot sumaliksik
Sa yakap s'ya'y sabik
Maririnig ang hIlik.
(Jesrel Fernandez)





Isang gabing tahimik
Mga puno'y naghasik
Bata'y di na umimik
Takot pala sa ik-ik.
(Nelieza M. Ortega)




Tinik

Isang gabing tahimik
Bumara isang tinik
Nawalan na ng imik
Sagabal itong lintik.
(Cherry Apple Delaminez)




Isang gabing tahimik
Nang biglang may nanabik
Puso ko'y pumilantik
Mahal, ika'y bumalik.
(Alex Amante)




Irog

Isang gabing tahimik
Bulong ng bawat titik
Haplos ay tila tapik
Ramdam ko'y pananabik.
(Dave Wilson Librinca)




Hilik


Isang gabing tahimik
Nang ako'y nanaliksik
May lalaking naghilik
Sa sulok nakasiksik.
(Paul Jameson Geronimo)




Nakaw na Halik


Isang gabing tahimik
Si Tonyo ay pumanhik
Si anang naghihilik
Gising sa isang halik.
(Stephanie Batang)




Pag-ibig na Tahimik


Isang gabing tahimik
Tila puso'y pumisik
Ako'y di nakaimik
At sa sulok sumiksik.
(Kenner Llanoso)




Isang gabing tahimik
Puso ko'y nananabik
Oras ay tumitirik
Mahal wag kang pumikit.
(Lourenze Tolentino)




Bagsik




Isang gabing tahimik
Gumising sa ki'y halik
Ng aso kong sumisiksik
Ang pangalan nya'y Bagsik.
(Linnel Llanes)



Isang gabing tahimik
Kotse ko ay tumitik
Malapit sa may putik
Bigla akong nanghalik.
(Nino Alexander Palao - 11/20/05)


Maliwanag ang araw
Nang kami'y maagtampisaw
Sa tubig na malinaw
Kami ay nagsisayaw.
(Nino Alexander Palao - 11/20/05)

No comments:

Post a Comment