Monday, August 8, 2011

Dasalan at Tocsohan by Marcelo H. del Pilar






Ang Tanda

Ang tanda ang cara-e-cruz mo sa aming Panginoon naming Frayle sa manga ama namin, sa ngalan nang cara-e-cruz at sa mga frayle nang Espiritu santo sya naua.


Pagsisisi


Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalakay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa ko sa iyo, ikaw nga ang dugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibik kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitika naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pag-ulol sa akin. Siya naua.


Ang Amain Namin


Amain naming sumasakumbento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulian mo kami ngayon nang aming kaning iyon inaraw-araw at patawanin mo kami sa iyong pag-ungal para nang pag papatawa mo kung kami nakukuwaltahan; at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.


Ang Aba Ginoong Barya


Aba ginoong Barya nakapupuno ka nang alkansya ang Fraile’I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina higit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Barya Ina nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at kami ipapatay. Siya naua...


Ang Aba Po Santa Baria


Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntong hininga namin sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap namin para sa aming manga anak, ilingon mo sa amin ang cara- i –cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.


Ang Mga Utos ng Prayle (Ang Sampung Utos ng Prayle)


Sa makabagong pagbabaybay


Ang mga utos nang Prayle ay sampu:  

Ang nauna: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.

Ang ikalaua: Huwag kang magpapahamak o manuba ng ngalang deretsos.
 
Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at piyesta.
 
Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing sa ama't ina,
 
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panlibing.
 
Ang ikanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
 
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
 
Ang ikaualo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
 
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
 
Ang ikapulo: Huwag mong itangi ang iyong ari.
 
Itong sampong utos ng Prayle'y dalawa ang kinauuwian.
 
Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.
 
Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan.
Siya nawa.

Ang mga kabuhungang asal, ang pangala'y tontogales ay tatlo.
Igalang mo ……………
Katakutan mo………… Ang Prayle
At pagmanuhan mo …..


Sa orihinal na pagbabaybay


Ang manga utos nang Fraile ay sampo:
 
Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.

Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos.
 
Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta.
 
Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina,
 
Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing.
 
Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua.
 
Ang ikapito: Huag kang makinakaw.
 
Ang ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
 
Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua.
 
Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.
 
Itong sampong utos nang Fraile’I dalaua ang kinaoouian.
 
Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat.
 
Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mo’t kayamanan. Siya naua.

Ang manga kabohongang asal, ang pangala’i tontogales ay tatlo.
Igalang mo ……………
Katakutan mo………… Ang Fraile
At Pag Manuhan mo …..



Reference:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Dasalan_at_Tuksuhan

No comments:

Post a Comment